Ang «Star ng Pasko« ay isang makabagbag-damdaming awit ng Kapaskuhan sa Pilipinas. Itinampok ito bilang tema ng ABS-CBN noong 2009 at nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino na magkaisa at magpasalamat, lalo na sa panahon ng pagsubok.
Lyrics Star Ng Pasko
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito’y nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’y makakaahon
Ang liwanag na ito’y nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!