Mga Alamat

Mga alamat ng Pilipinas na may buod, tauhan, aral at tanong: pinya, palay, makahiya, Mayon at iba pa. Pumili ayon sa paksa; may PDF ang ilan.

Mga Alamat

Naghahanap ka ba ng mga alamat na mababasa agad? Narito ang sampung alamat ng Pilipinas na kumpleto sa buod, tauhan, aral at gabay na tanong (ang ilan ay may PDF), at ang mga iba pa naming alamat na hinati ayon sa paksa. Sa dulo ng pahina, makikita mo rin ang kahulugan at mga elemento ng alamat.

Ang alamat ay kwentong-bayan na nagsasalaysay kung paano nagsimula ang isang bagay, lugar, halaman, hayop o pangyayari sa kalikasan, at karaniwang may aral.

10 alamat na may buod, tauhan at aral

AlamatAno ang ipinaliliwanag nito
Alamat ng PinyaKung bakit maraming “mata” ang pinya: ang batang laging nagtatanong kung nasaan ang mga bagay.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong · PDF
Alamat ng PalayBersyong Ibaloi ng Benguet: kung paano natutong magtanim ng palay ang mga tao, sa tulong ni Dackbongan at ni Kabunian.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong · PDF
Alamat ng MakahiyaKung bakit tumitiklop ang dahon ng makahiya kapag nahahawakan: ang kwento ng mahiyaing si Maria.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong
Alamat ng Bulkang MayonKwentong-bayan ng mga Bikolano: ang pinagmulan ng Bulkang Mayon sa Albay, at ang pag-iibigan nina Daragang Magayon at Panganoron.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong · PDF
Alamat ng SagingKung bakit ang bunga ng saging ay tila mga daliring magkakadikit: sina Juana at Aging.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong
Alamat ng BayabasAng sakim na haring naging puno, at kung bakit may maliit na “korona” sa dulo ng bayabas.
Nasa pahina: buod · tauhan · aral · tanong
Alamat ng ManggaKung bakit hugis-puso at matamis ang mangga (orihinal na bersyon ng Aking Maikling Kwento).
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong · PDF
Alamat ng RosasKung bakit may tinik ang rosas: si Rosa at ang manliligaw na nanloko sa kanya.
Nasa pahina: buod · tauhan · banghay · aral · tanong · PDF
Alamat ng AmpalayaBuod ng makabagong alamat ni Augie Rivera (Adarna House, 1995) tungkol sa gulay na si Ampalaya.
Nasa pahina: buod · tauhan · aral · tanong
Ang Alamat ng Sampung Datu ng BorneoAng sampung pinunong tumakas sa malupit na sultan at dumating sa Panay (mula sa Maragtas).
Nasa pahina: buod · tauhan · aral · tanong

May PDF na may gawain at sagot ang alamat ng pinya, palay, Mayon, mangga, rosas at Malabon; makikita ito sa ibaba ng bawat pahina.

Iba pang alamat ayon sa paksa

Alamat ng prutas, gulay at halaman

Alamat ng mga lugar

Alamat ng mga hayop at ng kalikasan

Pinagmulan ng daigdig at ng lahi

Para sa Pasko at Bagong Taon

Mayroon din kaming mga alamat sa Ingles at mga pabula, kung gusto mo ng mga kwentong may hayop.

Ano ang alamat? Kahulugan at katangian

Ang alamat ay isang kwentong-bayan na nagpapaliwanag kung paano nagsimula o saan nagmula ang isang bagay, lugar, halaman, hayop o pangyayari sa kalikasan. Kathang-isip ito, ngunit ipinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa susunod, at kadalasang may aral tungkol sa kabutihan, kasipagan o pagsunod.

  • Nagpapaliwanag ng pinagmulan: “Kaya pala may mata ang pinya”, “Kaya pala makahiya ang makahiya”.
  • Kathang-isip ngunit madalas nakaugat sa tunay na lugar o bagay.
  • Galing sa kwentong-bayan: karaniwang hindi kilala ang orihinal na may-akda at iba-iba ang bersyon sa bawat rehiyon.
  • May kababalaghan: diwata, diyos, sumpa o himala.
  • May aral na nagtuturo ng tamang asal.

Mga elemento ng alamat

ElementoPaliwanag
TauhanAng mga gumaganap; kadalasang may bida, kontrabida at nilalang na may kapangyarihan (diwata, bathala).
TagpuanKailan at saan naganap, karaniwang “noong unang panahon”.
BanghaySimula, suliranin, kasukdulan, kakalasan at wakas.
AralAng mensahe o leksyong makukuha sa kwento.

Alamin ang higit pa sa mga elemento ng maikling kwento.

Alamat, mito at pabula: ano ang pagkakaiba?

AlamatMitoPabula
PaksaPinagmulan ng bagay, lugar o halamanMga diyos at diyosa, paglikha ng mundoMga hayop na kumikilos na parang tao
HalimbawaAlamat ng PinyaSi Malakas at si MagandaAng Pagong at ang Matsing
LayuninMagpaliwanag at magbigay-aralIpaliwanag ang paniniwala ng sinaunang taoMagturo ng aral moral

Tandaan: ang mga nilalang tulad ng tikbalang at aswang ay bahagi ng mitolohiya at kwentong kababalaghan ng Pilipinas, hindi alamat, dahil hindi nila ipinaliliwanag ang pinagmulan ng isang bagay.

Paano sumulat ng alamat

  • Pumili ng bagay na ipaliliwanag ang pinagmulan (prutas, lugar, hayop).
  • Lumikha ng tauhang may katangiang kaugnay nito (hal. batang tamad, hari na sakim).
  • Magbigay ng suliranin at ng isang kababalaghang magbabago sa tauhan.
  • Tapusin sa paliwanag: “Mula noon, tinawag nila itong…”
  • Ilagay ang aral nang malinaw.

Mga madalas itanong

Totoo ba ang mga alamat? Hindi. Kathang-isip ang mga alamat, ngunit mahalaga ang mga ito dahil ipinakikita nila ang paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga ng ating mga ninuno.

Bakit iba-iba ang bersyon ng isang alamat? Dahil pasalita itong naipasa sa maraming henerasyon at rehiyon. Halimbawa, may ilang bersyon ang Alamat ng Palay depende sa pangkat-etniko. Sa bawat alamat sa aming site, sinasabi namin kung aling bersyon ang isinalaysay.

Mga Kwento sa Mga Alamat (50)